Lahat ng mga walang magawa
Tuesday, 21 June 2011
Saan matatagpuan ang tunay na kaligayahan...
Haha ang lalim naman ng mga katagang ginamit ko sa aking titulo. So pano nga ba matatagpuan ang tunay mong kaligayahan? Para sakin maraming paraan, pangyayari, bagay o mga karanasan ang magbibigay ng tunay na kaligayahan sa isang tao. Marami na kong nakilalang tao na natagpuan na nla ang kanilang tunay na kaligayahan. Natatandaan ko pa nung aking kabataan... Hmmm hndi nman masyadong kalayuan sa kasalukuyan, bata pa nman ako khit paubos na ang buhok ko. Nung mga bata bata pa ko crush na crush ko talga si iya villania, sabi ko sa sarili ko mahawakan ko lang buhok nya pwede na kong mamatay nyahahaha! Tapos nung medyo tumanda ng onti, ngmature ba ng onting onti, nung matuto akong kumanta ng maayos ng konting konti. Ang gusto ko nman na, kumanta sa harap ng isang madla na may kasamang banda. Kaso natunaw din ung gusto kong makamit na kaligayahan sa pagkanta nang makita ko ng live kumanta ang isang nilalang na parte din ng aking nakaraan. Di ko nman maimagine na gnun sya kagaling, kakilala nya pa ung tumutugtog nung araw na nagdate kami sa isang bar. Biglang pogi ko nung natapoa sya kc syempre kasama lo e dalawa lang kami mgkasama e hehe... So ano na nga bang nakamit kong kaligayahan? Hanggang ngaun, palagay ko wala pa din! Katulad lahat ng tao sa mundo... Hindi lang naman pgibig ang mgpapaligaya sa mundo. Minsan nga pagibig pa ang nakakakit. Pagibig pa ang nangiiwan, nanlilinlang. Kung nasayo na ba ang mga bagay na kailangan mo at pangarap mo, liligaya ka na? Ako...wala na akonh maisip na kailangan ko pa, ang daling mgkaron ng mga bagay na gusto mo. Pero pagtapos ng panahon, isang araw man o isang taon, wla na dn ang kaligayahan na nabili mo. Ang opinyon ko, hanggat nabubuhay ang isang tao, patuloy pa din nating hahanapin ang ating kaligayahan. Maging materyal man ito o kahit simpleng pagpunta sa beer house kasama ang besfren mo hehe. Ang pagtupad sa mga pangarap ay goal mo labg sa buhay pero ang pagkamit ng kaligayahan anh maari mong matupad kahit sa isang araw o sandalibg oras lang... Ang makasama mo ang iyong minamahal ay isang kaligayahan na hindi mo maipagpapalit sa kahit ano mang bagay. Sulitin mo lang ang oras na binigay sau. Sandali labg ang buhay. Pwedeng mawala ka sa isabg iglap ng hndi mo natatamo ang iyong tunay na kaligayahan...
Subscribe to:
Posts (Atom)